CITF hindi maipangako ang bloodless na operasyon ng CITF laban sa mga tiwaling pulis
Sumuko na at magpakatino habang maaga.
Ito ang babala ni Chief Supt. Romeo Caramat, hepe ng Counter Intelligence Task Force ng Philippine National Police sa kanilang mga kabaro na sangkot sa iligal na aktibidad.
Ang babala ni Caramat ay kasunod na rin sa unang kaso ng pulis na napatay sa operasyon ng CITF matapos manlaban sa Mandue City na si Senior Inspector Raymond Hortezuela.
Ayon kay Caramat, nakadepende ang pagiging ‘bloody’ ng kanilang operasyon sa kung manlalaban ang mga pulis na target nila.
Ayaw nya naman umano na magresulta ito sa engkwentro pero kung sila ang unang papatukan ay wala silang magagawa kundi gumanti.
Kasunod nito, sinabi rin ng hepe ng CITF na walang puknat ang kanilang mga ikakasang operasyon sa mga tiwaling pulis at sa ngayon aniya ay nangangalap lang sila ng sapat na ebidensya sa kanilang mga target.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.