‘Noli Me Tangere’ ilan sa mga pinag-aaralan ng anak nina Mariel at Robin Padilla

By Justinne Punsalang June 11, 2018 - 12:00 AM

Robin Padilla Instagram

Bata pa lamang ay sinisimulan na ng mag-asawang Mariel Rodriguez at Robin Padilla ang pagtuturo sa kanilang isang taong anak ang tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas.

Sa latest Instagram post ni Robin ay ipinakita nito si Mariel na tinuturuan si baby Maria Isabella tungkol sa alpabetong Filipino, mga pambansang bayani ng Pilipinas, maging ang ‘Noli Me Tangere.’

Sa caption ng post ay humiram si Robin ng quote mula sa isinulat na aklat ni Maria Montessori na ‘The Aborbent Mind.’

Pinuri naman ng mga netizen ang naturang video.

Marami sa mga ito ang natuwa dahil tinuturuan ng mag-asawa ang kanilang anak tungkol sa kasaysayan ng bansa.

Ayon pa sa ilang netizen, nakakatuwang makita na inunang ituro ng mag-asawa kay baby Maria Isabella ang alpabetong Filipino bago ang sa wikang Ingles. Anila, maraming kabataan ang nahihirapan sa asignaturang Pilipino dahil mas marami ang nauunang ituro ang wikang Ingles sa mga ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.