Limang daang Pinoy nurse ang kailangan ngayon ng bansang Germany.
Ayon kay Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Administrator Bernard Olalia, nangangailangan ang Germany ng Filipino workers para mapunan ang mga bakanteng puwesto sa kanilang health industry.
Maaari aniyang mag-apply ang mga interesadong nurse sa POEA website o sa pamamagitan ng mga accredited na recruitment agency.
Tatanggap ng €1,900 o mahigit P118,000 na panimulang sweldo ang mga nurse.
Kapag nakapasa naman sa licensure examination ng Germany, tatanggap ng €2,300 o mahigit P143,000 na sweldo ang mga nurse.
Kinakailangan din na makapasa sa German language proficiency test ang mga magiging registered nurse.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.