Japanese firm, dinagdagan pa ang bilang ng vending machines na nagpapahiram ng mga payong

By Rod Lagusad June 09, 2018 - 06:50 AM

Dinagdagan pa ng isang Japanese beverage company ang bilang ng mga vending machines na nagpapahiram ng mga payong kaugnay ng paparating na panahon ng tag-ulan.

Inanunsiyo ng Dydo Drinco Inc. nitong nakaraang linggo na mas maraming mga vending machines sa buong Japan ang magkakaroon ng mga payong na pwedeng mahiram sa oras na bumuhos ang malakas na ulan.

Simula pa ng taong 2015 ng simulan ng naturang kompanya ang pagtulong sa mga commuters.

Ang mga payong na ito ay nakalagay sa isang box sa gilid ng mga vending machines.

Ayon sa survey na ginawa ng Dydo noong 2016 ay lumabas na nasa 70 porsiyento ng mga hinihiram na payong ay naibabalik sa mga vending machines.

Ka-partner ng nasabing kompanya dito ang East Japan Railway Co. at West Japan Railway Co.

TAGS: Japan, umbrella, vending machine, Japan, umbrella, vending machine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.