Heavy rainfall itinaas ng PAGASA sa Bataan at Zambales
Naglabas ng heavy rainfall warning ang PAGASA para sa mga lalawigan ng Bataan at Zambales.
Sa abiso ng PAGASA, alas 8:00 ng gabi apektado ng malakas at tuloy-tuloy na pag-ulan ang buong Bataan at ang mga bayan ng San Antonio, Castillejos, Subic, Olongapo, at San Narciso sa Zambales.
Dahil dito, itinaas ng PAGASA ang yellow warning sa nasabing mga lugar.
Ayon sa PAGASA ang Habagat na pinalalakas ng bagyong Domeng ang nagdudulot ng pag-ulan.
Inabisuhan naman ang mga residente sa lugar na maging alerto sa posibleng pagbaha.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.