Heavy rainfall warning, itinaas ng PAGASA sa Bataan
By Donabelle Dominguez-Cargullo June 08, 2018 - 06:11 PM
Itinaas ng PAGASA ang heavy rainfall warning sa lalawigan ng Bataan.
Sa rainfall advisory ng PAGASA alas 5:00 ng hapon, yellow rainfall warning ang umiiral sa nasabing lalawigan.
Ito ay dahil sa nararanasang patuloy at malakas na buhos ng ulan doon dahil sa Habagat na pinalalakas ng tropical storm Domeng.
Babala ng PAGASA sa mga residente sa Bataan, maging alerto sa posibleng pagbaha.
Pinayuhan din ng PAGASA ang publiko na mag-antabay sa mga susunod na abiso na ilalabas ng weather bureau.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.