Duterte at Sison magkaiba ng pahayag sa petsa ng pagsisimula muli ng peace talks

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 08, 2018 - 02:16 PM

File Photo | Sec. Jess Dureza

Nagkakaiba ng pahayag sina Pangulong Rodrigo Duterte at Communist Party of the Philippines Founding Chairman Joma Sison hinggil sa petsa ng pagbabalik muli ng peace talks.

Sa panayam kasi kay Pangulong Duterte sinabi niyang maaring sa kalagitnaan ng buwan ng Hulyo muling magsimula ang peace talks sa CPP-NPA-NDF.

Pero nang tanungin sa pamamagitan ng online interview sinabi ni Sison na ngayong buwan na ng Hunyo magre-resume ang peace talks at hindi sa Hulyo.

Sinabi ni Sison na sa June 28 ang simula ng formal talks sa pagitan ng pamahalaan at NDFP negoatiating panel sa Oslo, Norway.

Dagdag pa ni Sison, nagkasundo din ang negotiating panel ng magkabilang panig sa “stand down agreement” sa pagpapatuloy ng pag-uusap.

Aniya, sa pamamagitan ng stand down agreement mas magiging matiwasay ang resumption ng peace negotiations.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: CPP NDF NPA, peace talks, Radyo Inquirer, CPP NDF NPA, peace talks, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.