Tatlong miyembro ng New Peoples Army (NPA), sumuko sa militar sa South Cotobato
Tatlong miyembro ng New Peoples Army (NPA) ang sumuko sa mga tropa ng 27th Infantry Batallion sa Barangay Maan, T’boli, South Cotobato noong Huwebes.
Nakilala ang mga dating rebelde na sina Rolly Bab Varonia, Rustom Milog Wanday at Dennis Munday Jamora.
Kasabay ng kanilang pagbabalik loob sa pamahalaan, isinuko rin ng tatlo ang kanilang M16 rifle.
Ayon sa isa sa mga sumuko, pinangkuan sila ng suportang pinansyal ng kanilang mga kasamahan kaya sila nahikayat na sumapi sa NPA pero ilang buwan na ang nakalipas ay wala pan rin silang natatanggap na tulong mula dito.
Sinegundahan naman ito ni Lt Col Jones Brisal Otida, 27IB Commander at sinabing samu’t saring paraan ng pagmamanipula ang ginagawa ng mga rebelde para makapanghikayat ng bagong recruit.
Sasailalim ang 3 dating rebelde sa CLIP o Comprehensive Local Integration Program kung saan pagkakalooban sila ng livelihood assitance ng pamahalaan para makapagsimula ng bagong buhay.
Ngayong taon ay aabot na sa 335 ang regular NPA na sumuko sa 10 ID ngayong taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.