Grupo ng mga magsasaka lumusob sa Mendiola para singilin si Pangulong Duterte sa mga pangako nito

By Jan Escosio June 08, 2018 - 01:05 PM

Kuha ni Jan Escosio

Inihalintulad na parang uod si Pangulong Rodrigo Duterte ng mga militanteng grupo, partikular na ng mga grupong magsasaka, na nagsasagawa ng kilos protesta sa Mendiola Bridge.

Agaw-pansin ang isang effigy ng uod na ang ulo ay mukha ni Pangulong Duterte at sinisimbolo nito ang unti unti pagkamkam sa mga lupang sinasaka.

Sinabi ni Danilo Ramos, chairperson ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, na bigo ang gobyerno na magpatupad ng tunay na agraryong reporma.

Hinihiling din nila ang wakas ng pagpatay sa mga magsasaka.

Aniya ang ilang beses na silang nakipag diyalogo sa Department of Agrarian Reform at iba pang ahensiya para maaksiyonan ang kanilang mga hinaing ngunit walang nangyari.

Giit pa ng mga nagpo protestang sinisira ng Oplan Kalayaan ang counter insurgency ng AFP ang buhay at kabuhayan ng mga magsasaka.

Kayat ayon sa mga nagpo protesta, ang mga sundalo ay animoy peste sa hanay ng mga magsasaka.

Nangako din ang mga grupo na bibitbitin nila ang kanilang mga hinaing sa ikatlong State of the Nation Address o SONA ng Pangulong Duterte.


 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: mendiola, Radyo Inquirer, Rally, mendiola, Radyo Inquirer, Rally

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.