Panukalang batas para magkaroon ng dagdag na district offices ang LTO, lusot na sa Senado

By Jan Escosio June 08, 2018 - 11:55 AM

Inquirer Photo

Nakalusot na sa Senado ang anim na panukala ni Senator Grace Poe na magiging daan para ang anim na extension offices ng Land Transportation Office sa Calabarzon at Metro Manila ay magiging regular district offices.

Ayon kay Poe sa pamamagitan nito ay gaganda ang serbisyo para sa licensing at renewal ng mga lisensiya.

Umaasa lang ang senadora na gagawin naman ng mga opisyal at kawani ng LTO ang kanilang parte at gawing prayoridad ang solusyon sa mahabang pila ng mga kumukuha at nagpapa-renew ng kanilang lisensiya

Sa mga panukala ni Poe ay regular district offices na ang LTO licensing centers sa Kawit, Cavite; Batangas City, Balayan, Batangas; San Pablo City sa Laguna, Malabon City at Muntinlupa City.

Si Poe din ang pangunahing nag-akda ng Republic Act 10930 na nagpalawig sa limang taon sa bisa ng lisensiya at maari pang maging valid hanggang 10 taon kung hindi nahuli sa paglabag sa anuman batas-trapiko ang may ari ng lisensiya.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: District Offices, grace poe, lto, Regular Office, Senate, District Offices, grace poe, lto, Regular Office, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.