Bagyong Domeng lumakas at bumilis pa; isa nang tropical storm ayon sa PAGASA
Nananatiling nasa karagatan ng Pilipinas ang tropical depression Domeng.
Ayon kay PAGASA Senior Weather Specialist Chris Perez huling namataan ang bagyong Domeng sa 655 kilometers east ng Tuguegarao, Cagayan.
Lumakas pa ang bagyo at isa nang tropical storm taglay ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 80 kilometers bawat oras.
Bahagyang bumilis ang bagyo na kumikilos sa direksyong North Northeast sa bilis na 17 kilometers bawat oras.
Hindi pa rin ito inaasahang tatama sa kalupaan ng bansa.
Pero pinalalakas nito ang Habagat na naghahatid ng hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa MIMAROPA, CALABARZON, Bicol Region at Western Visayas.
Simula mamayang gabi naman hanggang sa weekend sinabi ni Perez na makararanas na rin ng pag-ulan na dulot ng Habagat ang Metro Manila.
Bago mag-tanghali ng linggo ay lalabas na ng bansa ang bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.