Facebook nakaranas ng problema sa software, settings ng nasa 14 na milyong users, naapektuhan
Kinumpirma ng Facebook nanakaranas ito ng software glitch na nagdulot ng automatic na pagbabago sa settings ng nasa 14 million na users.
Kabilang sa epekto nito ay ang automatic na pagiging public ng post kahit pa ito ay dapat naka-private.
Ayon kay Erin Egan, chief privacy officer ng Facebook, natuklasan nila ang bug na automatikong nag-susuggest ng public post.
Partikular na naapektuhan nito ang mga posts sa pagitan ng May 18 at May 27.
Ayon sa Facebook tinugunan naman nila ang problema noong May 22 hindi nabago ang lahat ng post kaya inabisuhan na nila ang mga apektadong users.
Ani Egan, sinasabihan nila ang mga apektado na i-review ang kanilang mga post para sa nasabing petsa para tignan kung ang post na dapat ay pang-private lamang ay naging public.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.