Binuong Con-Com isusumite kay Pang. Duterte ang draft ng federal constitution bago ang SONA

By Rohanisa Abbas June 07, 2018 - 12:40 PM

Inquirer File Photo

Isusumite ng Consultative Committee (Con-Com) kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kumpletong balangkas ng bagong federal constitution sa July 9 bago ang kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA).

Ayon kay Con-com spokesman Ding Generoso, isinasapinal na ng komite ang tatlong artikulo sa “Federated Regions,” “Transitory Provisions,” at “Amendments.”

Dagdag ni Generoso, pagbobotohan nila ang kabuuan ng balangkas na konstitusyon sa en banc session sa June 14.

Binuo ni Duterte ang Con-com para pag-aralan ang Saligang Batas ng 1987 para gumawa ng panukalang bagong konstitusyon sa ilalim ng federalismo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Consultative Committee, Federal System, Radyo Inquirer, Consultative Committee, Federal System, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.