Bagyong Domeng bahagyang lumakas pa, isa pang bagyo sa labas ng bansa binabantayan ng PAGASA

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 07, 2018 - 12:14 PM

Bahagyang lumakas ang bagyong Domeng habang kumikilos sa direksyong North Northwest.

Huling namataan ang bagyo sa 835 kilometers East ng Casiguran, Aurora taglay ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 65 kilometers bawat oras.

Ayon kay PAGASA weather specialist Obert Badrina, walang direktang epekto ang bagyong Domeng saanmang bahagi ng bansa pero ang pagpapalakas nito sa Habagat ang siyang naghahatid ng mga pag-ulan.

Ang pinagsanib na epekto ng bagyong Domeng at Monsoon Trough ang naghahatid ng moderate hanggang sa kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Bicol Region at western sections ng MIMAROPA at Visayas regions.

Samantala, isa pang bagyo na mayroong international name na Ewiniar ang binabantayan ng PAGASA sa labas ng bansa.

Huli itong namataan sa 1,075 kilometers West ng Basco Batanes.

Sa ngayon ayon sa PAGASA maliit pa ang tsana na makaapekto ito sa bansa.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Domeng, Pagasa, Radyo Inquirer, Tropical Depression, weather, Domeng, Pagasa, Radyo Inquirer, Tropical Depression, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.