Super typhoon Lando, nasa 185KPH hanggang 220 KPH na

By Jake Maderazo October 17, 2015 - 11:58 PM

doppler
Doppler photo

Lalo pang lumakas ang bagyong Lando at nagbabanta na ngayon sa Aurora, Isabela at Northern Quezon. Kaninang 10pm, ang mata ng bagyo ay nasa 135 km East Northeast ng Baler, Aurora o  90 km East Southeast of Casiguran Aurora .

Ang maximum sustained winds nito ay 185 kph malapit sa gitna at may malakas na bugso ng hanging aabot sa 220kph.

Nakataas ngayon ang Public Storm signal number 4 sa Aurora at southern Isabela samantalang Signal numbr 3 naman sa iba pang bahagi ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Nueva Ecija, Ifugao , Northern Quezon at Polillo Islands

Signal number 2 naman sa Cagayan, Calayan at Babuyan group of Islands, Benguet, Mt. Province, Abra, Kalinga, Apayao, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Zambales, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Rizal, rest of Quezon, Camarines Norte at Metro Manila.

Signal number 1 naman sa Batanes, Bataan, Cavite, Laguna, Batangas, Lubang Island, Northern Oriental Mindoro, Marinduque, Camarines Sur, Albay at Catanduanes.

Inaasahan na ang bagyo ay magtatagal sa Luzon ng higit dalawang araw. Bukas ng gabi, ang bagyo ay nasa Alicia, Isabela, Lunes ng gabi sa Rizal Kalinga at Martes ng gabi sa Calayan, Cagayan.

TAGS: Lando, Pagasa, super typhoon, Lando, Pagasa, super typhoon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.