Antas ng tubig sa Marikina River nanatiling normal sa kabila ng magdamag na pag-ulan

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 07, 2018 - 08:34 AM

Sa kabila ng magdamag na pag-ulan sa Metro Manila at mga karatig lalawigan, nanatili sa normal ang antas ng tubig sa Marikina River.

Sa abiso ng Marikina City Rescue, alas 8:00 ng umaga ng Huwebes (June 7) nasa 12.4 meters ang water level sa Marikina River.

Dahil dito, walang anumang alarma na nakatas sa ilog.

Sa sinusunod kasing guidelines sa Marikina River itataas ang 1st alarm kapag umabot na sa 15 meters ang water level, 2nd alarm kapag 16 meters at 3rd alarm kapag umabot na sa 18 meters.

Sa kasagsagan ng pag-ulan ng madaling araw, ganap na ala una ng umaga ay 13.2 meters ang pinakamataas na water level na naitala sa ilog..

Samantala, sa San Mateo Rizal naman, nanatili ring normal ang water level.

Nasa 15.94 meters ang water level sa Batasan Bridge.

Malayo pa ito sa 18 meters na batayan para magtaas ng alerto sa nasabing ilog.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Marikina City, marikina river, radyo, water level, Marikina City, marikina river, radyo, water level

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.