Panahon ng tag-ulan nalalapit nang ideklara ng PAGASA
Posibleng ideklara na anumang oras ng PAGASA ang pormal na pagpasok ng panahon tag-ulan.
Ayon sa PAGASA, hinihintay na lamang nilang maabot ang criteria sa dami ng naibuhos na tubig ulan para maisagawa ang deklarasyon.
Samantala ang tropical depression Domeng ay huling namataan ng PAGASA sa 755 kilometers East ng Vorac Catanduanes.
Taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 60 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers bawat oras sa direksyong North Northwest.
Ayon sa PAGASA ang habagat na hinahatak ng bagyo ang nagpapa-ulan sa MIMAROPA, Bicol Region, Visayas at Mindanao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.