3 sugatan sa helicopter crash sa Cotabato

By Mark Makalalad June 06, 2018 - 07:03 PM

Inquirer file photo

Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines na isang private chopper ang nag-crash sa Sitio Glandang, Brgy. Kablon, Tupi, South Cotabato.

Ayon sa CAAP, alas-9:57 ng umaga nag-crash ang Model R44 Rave 2 na helicopter, ilang minuto lamang makaraan itong mag-take off.

Sa ngayon, naipadala na ng CAAP ang kanilang Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board (AAIIB) na sina inspector Rommel Ronda at Henry Paradero para imbestigahan ang nangyaring insidente.

Base naman sa spot report Tupi Police Station, sakay ng helicopter si Pilot Capt. Dennis Figueroa at 3 pasahero.

Kabilang dito ang Foreign nationals na sina Dr. Jorge Gonzales at Cecilia Donaire, at isang Filipina na si Alica Bengco.

Nabatid na ang tatlo ay matataas na opisyal ng DOLE Philippines, Inc. at papunta sana ng bayan ng Surallah.

Nagtamo ng minor injuries ang mga pasahero na ngayon ay nagpapagaling na sa Howard Hubbard Memorial Hospital sa Polomolok, South Cotabato.

TAGS: CAAP, Crash, DOLE, r44, South Cotabato, tupi, CAAP, Crash, DOLE, r44, South Cotabato, tupi

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.