Duterte sinampahan ng quo warranto petition ni Pamatong

By Alvin Barcelona June 06, 2018 - 04:16 PM

INQUIRER/ MARIANNE BERMUDEZ

Nagsampa ng quo warranto petition sa Supreme Court laban kay Pangulong Rodrigo Duterte ang suspindidong abugado na si Atty. Ely Pamatong.

Sa kanyang anim na pahinang petisyon, iginiit ni Pamatong na may depekto sa certificate of candidacy noong tumakbo ito noong sa pagkapangulo.

Si Duterte ay substitute candidate ng kanyang kapartido sa PDP-Laban na si Martin Diño.

Gayunman, sinabi ni Pamatong ang orihinal umanong posisyon na nais takbuhan ni Diño ay bilang pagka-alkalde ng Pasay at hindi naman sa pagka-presidente.

Matatandaan na isa ang disqualification case ni Pamatong laban kay duterte sa mga ibinasura ng Comelec noon.

Sinabi pa ni Pamatong sa kanyang petisyon na siya nanumpa pala bilang caretaker ng bansa at nag-assume sa posisyon ng pagkapangulo noong June 30, 2016.

Alinsunod sa Rule 66 ng Rules of Court, ang pinapayagan lamang na magsulong ng quo warranto petition ay ang Office of the Solicitor General, public prosecutor o kaya ay ang sinuman na naggigiit ng lehitimong karapatan sa posisyong inokupahan ng kinukuwestiyong opisyal.

Una nang sinuspinde ang lisensya bilang abogado ni Pamatong noong 2016 dahil sa pang-iinsulto sa isang hukom at idineklara namang nuisance candidate noong nakaraang presidential elections.

TAGS: duterte, Pamatong, quo warranto petition, Supreme Court, duterte, Pamatong, quo warranto petition, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.