NEDA binatikos ng netizens matapos sabihing kasya ang P10K kada buwan sa pamilyang may limang miyembro

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 06, 2018 - 10:03 AM

Umani ng batikos ang National Economic Development Authority o NEDA sa pahayag nito na sapat na ang P10,000 kada buwan na budget para sa isang pamilya na mayroong limang miyembro.

Kung kukwentahin, pumapatak itong P333 kada araw na kita para maka-survive ang limang miyembro ng isang pamilya.

Sa naging computation ng NEDA, P3,834 ang budget na inilagay para sa pagkain at inumin, P6,008 naman para sa mga non-food expenses gaya ng bills, renta sa bahay, damit, sapatos, gamit sa bahay at iba pa.

Ang ilang netizen, naglagay pa ng hashtag na “NEDA10KChallenge” sa kanilang mga komento.

Anila nagpapatawa ata ang NEDA nang sabihing kasya ang P10,000 para sa limang miyembro ng pamilya sa loob ng isang buwan.

Ayon pa sa isang netizen, ang P3,834 na inilagay na budget ng NEDA para sa pagkain sa loob ng 30-araw ay katumbas lang ng P127.80 kada araw.

Mistula umano itong pang weight-loss program dahil parang lalabas na isang beses lang kakain sa isang araw ang bawat tao.

Hinamon din nilang subukan ng mga taga-NEDA na mamuhay ng isang buwan na P10,000 lang ang budget.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: 10Kchallenge, National Economic Development Authority, neda, Radyo Inquirer, 10Kchallenge, National Economic Development Authority, neda, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.