BFAR nagpatupad ng tatlong buwang fishing ban sa Davao Gulf
Ipinagbawal na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang commercial fishing sa 308,000 ektarya ng Davao Gulf mula ngayong buwan hanggang August 31.
Ayon kay BFAR regional director Fatma Idris, ito ay para makabawi ang golpo matapos kumaunti ang mga nahuhuling mga isda sa lugar, partikular na ang pelagic fish gaya ng alumahan, galunggong at talakitok.
Tinatayang 40,000 mangingisda ang maaapektuhan ng tatlong buwang fishing ban sa Davao Gulf na napapaligiran ng apat na lalawigan ng Davao at Compostela Valley.
Sinabi ni Idris na papayagan pa rin naman ang mga mangingisda basta hindi sila gagamit ng bag nets at ring nets.
Ito na ang ikatlong fishing ban sa Davao Gulf mula noong 2013.
Batay sa pag-aaral ng Department of Science and Technology noong 2012, bumaba nang 80% ang nahuhuling isda tuwing napapanahon ito.
Ayon kay Elsie May Solidum, DOST assistant director for southern Mindanao, dahil ito sa sobrang pangingsida, paggamit ng dinamita sa pangingisda at malawakang polusyon sa golpo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.