Mas mataas na sahod para sa Pinay domestic helper ipinanawagan ni Rep. Bertiz
Iginiit ni ACTS-OFW Partylist Rep. John Bertiz ang 25% na dagdag sa sahod ng mga Filipino domestic workers sa Hong Kong.
Ayon kay Bertiz, kung nais ng Hong Kong na patuloy na makakuha ng household staff na may kaalaman at maasahan sa trabaho ay dapat na itaas ang statutory minimum wage sa ating mga kababayan.
Sinabi nito na mataas ang demand ng mga OFWs partikular sa mainland China bunsod ng dumaraming bilang ng mga mayayamang pamilyang Chinese at maging expatriates o foreign executives na nagtatrabaho doon na kasama ang kani-kanilang pamilya.
Nape-pressure na ang Hong Kong kung papaano nila mapapanatili ang mga Filipino domestic workers sa kanilang bansa dahil sa alok na mataas na sahod sa mainland China.
Aminado naman ang Hong Kong sa posibilidad na umalis sa kanila ang kalahati sa 190,000 OFWs dahil sa alok na Chinese Yuan monthly salary, na katumbas ng P57,000 hanggang P103,000.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.