Pagsakay ni Pangulong Duterte sa commercial flights sa mga foreign trips, magiging madalas na – Malakanyang
Asahan na ang madalas na pagsakay commercial flight ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga foreign trips.
Sa pulong balitaan sa South Korea sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, magiging norm o pamantayan na ng pangulo ang pagsakay sa commercial flights.
Nais kasi anya ng pangulo na makatipid sa gastos lalo’t pera ng bayan ang kanyang ginagamit.
Matatandaang sa kauna-unahang pagkakataon sumakay ng commercial flight ang pangulo para sa kanyang tatlong araw na official visit sa South Korea.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.