Pilipinas top contributor ng plastic sa buong mundo

By Rohanisa Abbas June 05, 2018 - 10:58 PM

Nanguna ang Pilipinas sa limang bansa na bumubuo sa kalahati ng dami ng basurang plastic ng mundo.

Batay sa datos ng United Nations Environment Programme (UNEP) noong 2015 sa pag-aaral na “Plastic waste inputs from land into the ocean,” mayroong 6.2 milyong kilo ng plastic wastes na ginagawa ang Pilipinas kada araw, kung saan 81% nito ang hindi nalilinis nang maayos.

Ilan pa sa mga bansang bumubuo sa kalahati ng plastic wastes sa mundo ay China, Indonesia, Thailand at Vietnam.

Sa kabila ng pangunguna ng Pilipinas sa listahan, pinuri naman sa ulat ng UNEP ang pagbabawal sa plastic sa ilang mga lungsod, gaya ng Las Piñas, Makati, Muntinlupa, Pasay, Pasig at Quezon.

Samantala, umabot naman sa 37.73 milyong kilo ang plastic wastes ng United States at 19.61 milyon sa Japan kada araw, pero nakapagtala ito ng 0% mismanagement rating. Ibig sabihin, maayos ang paglililnis sa mga basurang plastic sa dalawang bansa.

Ayon pa sa ulat ng UNEP, mayroong 300 milyong tonelada ng plastic waste ang mundi kada taon kung saan kalahati nito ay ginawa para isang gamitan at itatapon din.

Sa pagtaya nito, mas marami na ang plastic sa karagatan kaysa isda pagsapit ng 2050 kapag nagpatuloy ang paggawa ng plastic at mismanagement nito.

Inilabas ng UNEP ang pag-aaral kasabay ng World Environment Day ngayong araw bilang suporta sa #BeatPlasticPollution.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.