Duterte hindi apektado sa mga batikos sa paghalik sa isang OFW sa South Korea

By Chona Yu June 05, 2018 - 07:21 PM

Hindi isyu kay Pangulong Rodrigo Duterte ang paghalik niya sa labi sa isang may-asawang Filipina sa meet and greet sa Pinoy community sa South Korea.

Sa pulong balitaan sa South Korea, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na para sa pangulo ay isang minor incident lamang ang nangyari.

Katunayan, sinabi ni Roque na hindi na pinag-usapan ng pangulo at ng kanyang mga gabinete an naturang pangyayari.

Sinabi pa ni Roque “No, because he thought it was so minor an incident. I don’t think it’s something that he would talk about. It’s certain quarters that made—that blew it out to proportion because that’s their role in life.

Idinagdag pa ng opisyal na mas dapat tutukan ang mga investment na bunga ng pagbisita ng pangulo sa South Korea.

Mamayang hatinggabi ay balik-Pilipinas na si Pangulong Rodrigo Duterte.

TAGS: duterte, kiss, ofw, Roque, south korea, duterte, kiss, ofw, Roque, south korea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.