Sakit na psoriasis, isinusulong na maisama sa Philhealth coverage

By Erwin Aguilon June 05, 2018 - 11:55 AM

Hinikayat ng kamara ang Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth na isama psoriasis sa mga sakit na sakop ng health care program nito.

Base sa House Resolution 1818, kailangang maisama sa cover ng Philhealth ang psoriasis upang ma-avail ito ng mga mahihirap na Filipino.

Bukod pa ito sa para mapababa ang kaso ng nasabing sakit sa bansa.

Nakasaad sa resolusyon na ang psoriasis ang isa sa most baffling at persistent skin diseases sa bansa.

Sa kasalukuyan sakop ng Philhealth ang psoriatic arthitis o ang pamamaga ng joints ng isang indibidwal pero hindi ang sakit na psoriasis dahilan upang dalawang porsyento ng mga Pinoy na may sakit na ito ang hindi nakakakuha ng medical attention.

Nakasaad pa sa resolusyon na malaking porsyento ng hindi nakaka avail ng benepisyo ng Philhealth ay mula sa mga mahihirap na sektor.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: philhealth, Psoriasis, Radyo Inquirer, philhealth, Psoriasis, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.