White House tinukoy na ang oras ng pag-uumpisa ng summit nina Trump at Kim

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 05, 2018 - 07:35 AM

Unti-unti nang nakakaroon ng linaw at posibilidad na matuloy ang summit sa pagitan nina US President Donald Trump at North Korean leader Kim Jong Un.

Sa anunsyo ng White House ang summit na gaganapin sa Singapore sa June 12 ay magsisimula alas 9:00 ng umaga.

Ginawa ang anunsyo tatlong araw matapos ang pulong sa New York ng mga opisyal ng Amerika at matataas na opisyal ng North Korea.

Ayon kay White House spokeswoman Sarah Sanders, araw araw na nakatatanggap ng briefing si Trump sa estado ng preparasyon para sa summit.

Sa ngayon ang tanging makukumpirma umano ay tuloy ang summit sa June 12 at alas 9:00 ng umaga oras sa Singapore ang tentative na simula nito.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: donald trump, Kim Jong un, Radyo Inquirer, summit, donald trump, Kim Jong un, Radyo Inquirer, summit

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.