South Korea nag-offer ng $1B para sa ‘Build, Build, Build’
Nag-offer si South Korean President Moon Jae-in ng $1 bilyon para sa ‘Build, Build, Build’ infrastructure program ng pamahalaan.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sa naganap na pulong ni Pangulong Rodrigo Duterte kasama si President Moon ay nagbigay ang pangulo ng South Korea ng official development assistance upang makatulong sa nasabing programa ng gobyerno.
Ayon naman kay Department of Finance (DOF) Secretary Carlos Dominguez III, dinoble ng South Korea ang offer mula sa dating $500 milyon.
Dagdag ni Roque, nagpahayag rin ng interes si President Moon ng pagtulong para sa rehabilitasyon ng Marawi City. Ito ay kapag naisapinal na ni Task Force Bangon Marawi chair at Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) Secretary Eduardo del Rosario ang plano para sa lungsod.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.