Asst. special prosecutor ng Ombudsman, patay sa pananaksak sa QC
Patay ang isang assistant special prosecutor ng Office of the Ombudsman matapos saksakin sa No. 51 Visayas Avenue, Barangay Vasra, Quezon City.
Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director Chief Supt. Joselito Esquivel, kinilala ang biktima na si Atty. Madona Joy I. Ednaco-Tanyag na residente ng Concepcion 2 sa Marikina City.
Sa inisiyal na impormasyon, nangyari ang insidente ng pananaksak sa tapat ng isang lotto outlet.
Naisugod pa ang biktima sa East Avenue Medical Center ngunit idineklara ring dead-on-arrival.
Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng PNP para alamin ang motibo sa likod ng pananaksak.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.