Ex-Sen. Jinggoy Estrada, binalaang i-cite in contempt ng Sandiganbayan

By Erwin Aguilon June 04, 2018 - 03:15 PM

Inquirer file photo

Binalaan ng 5th Sandiganbayan si dating Senador Jinggoy Estrada na i-cite for contempt kapag muling nag side comment sa pagdinig sa kanyang kaso.

Kanina habang isinasalang sa cross examination ang whistle blower na si Benjur Luy, nasalita ng gago si Estrada.

Dahil dito, sinabihan ni 5th Division Chairperson Justice Rafael Lagos si Estrada na huwag nang magkomento.

Kaagad namang humingi ng paumahin si Estrada sa korte.

Samantala, sa ambush interview, sinabi ni Estrada na nakapagkomento lamang ito dahil sa kanyang pagka-inis kay Luy.

Iginiit nito na mali naman at kaduda-duda ang mga testimonya ni Luy.

Sinasabing nakinabang ang sa PDAF ni Estrada ang mga fake na NGO ni Janet Lim-Napoles mula taong 2004 hanggang 2012.

TAGS: Benjur Luy, Jinggoy Estrada, sandiganbayan, Benjur Luy, Jinggoy Estrada, sandiganbayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.