Live in partner ni Ardot Parojinog, naaresto sa Parañaque

By Mark Makalalad June 04, 2018 - 11:09 AM

Kuha ni Mark Makalalad

Iprinesenta sa Camp Crame ang naarestong live in partner ni Ozamiz Councilor Ricardo ‘Ardot’ Parojinog.

Mismong si Philippine National Police chief Oscar Albayalde ang nagprisenta kay Mina Luansing na naareto sa Paranaque noong Linggo.

Naaresto si Luansing sa bisa ng warrant of arrest sa paglabag sa RA 10591 Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act na siya ring kinakaharap na kaso ni Ardot.

Inaasahang ibabalik ng PNP ang mandamyento de aresto sa issuing court sa Ozamiz kasama si Luansing.

Si Luansing ay kasalukuyang board member ng sangguniang panlalawigan ng misamis occidental.

Samantala, nananatili pa rin si Ardot sa Taiwan dahil sa kinakaharap nitong kaso doon na pamemeke ng dokumento at iligal na pagpasok sa naturang bansa.

Minamadali naman na ng PNP ang deportation process kay Ardot.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Ardot Parojinog, Radyo Inquirer, Ardot Parojinog, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.