WATCH: Random drug testing sa mga pulis, uulitin matapos mahuli sa pot session ang isang babaeng SAF

By Mark Makalalad June 04, 2018 - 09:57 AM

Plano ng Philippine National Police na Ang magsagawa muli ng random drug testing matapos na mahuli sa pot session Ang isang babaeng pulis na miyembro ng Special Action Force.

Ito ang inihayag ng bagong Director ng National Capital Region Police Office na Chief Supt. Guillermo Eleazar.

Pag-amin ng opisyal, nagkataon na hindi nakasama sa random drug testing ang arrestadong pulis na si PO3 Lynn Tubig dahil hindi nabunot ang kanyang pangalan.

Inamin naman ni PO3 Tubig na ilang buwan na siyang gumagamit ng droga dahil sa depresyon pero itinanggi nitong nasa pot session sila ng maaresto ng mga pulis.

Ayon Kay Eleazar, sa muling pagsasagawa ng random drug test ay sisiguraduhin maisasama yung mga pulis na nakalusot sa mga unang test.

Tiniyak ni Eleazar na magiging walang-awa ang liderato ng PNP sa mga pulis na mahuhuling gumagamit ng droga.

Si PO3 Tubig ay myembro ng Special Action Force ay nahuli kasama ang dalawang lalaki matapos maaktuhan umanong nasa pot session sa purok 6 tuktukan taguig city nitong sabado.

Samantala, bukod kay PO3 Tubig ay iprinesnta rin sa Camp Crame ang 10 pulis Bulacan na nasangkot sa extortion at si PO1 Edgardo Villamil na sangkot sa road rage.

Narito ang report ni Mark Makalalad:

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: albayalde, PNP, Radyo Inquirer, albayalde, PNP, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

News Hub