Lalaki patay matapos matamaan ng kidlat sa Albay

By Justinne Punsalang June 04, 2018 - 12:29 AM

Patay ang isang lalaki, habang sugatan ang isang babae matapos matamaan ng kidlat ang kanilang mga bahay sa Barangay San Andres sa Sto. Domingo, Albay.

Kinilala ang nasawing biktima na si Ryan Balute, habang ang sugatan naman ay ang tiyahin nito na si Editha Balute.

Ayon sa hepe ng Sto. Domingo police na si Senior Inspector Genevieve Oserin, nagcha-charge umano ng cellphone si Ryan nang tumama ang kidlat sa kanilang bahay.

Hawak ni Ryan ang kanyang cellphone nang dumating ang kidlat kaya naman dumaloy sa naka-charge niyang telepono ang kuryente dahilan para makuryente ito.

Agad na isinugod sa Bicol Regional Training and teaching Hospital ang biktima, ngunit sa daan pa lamang ay binawian na ito ng buhay.

Samantala, umabot naman ang kidlat sa bahay ng kanyang tiyahin na nasa kusina. Sa kaparehong ospital dinala si Editha na kasalukuyang nagpapagaling.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.