Ama ni Ellen Adarna namayapa sa edad na 58
Hindi na masisilayan pa ni Alan Modesto Adarna ang kanyang apo mula sa kanyang anak na si Ellen.
Ito ay dahil namayapa na ang ama ng aktres sa edad na 58 noong Sabado, June 2.
Sa Instagram post ng isang Cebu-based florist, nagpaabot ito ng panalangin sa naiwang pamilya ni Adarna.
Isang netizen naman ang nag-comment at nagtanong kung ang tinutukoy ba nito ay ang ama ni Ellen at kinumpirma ito ng florist.
Ayon sa mga source, namatay si Adarna matapos makaranas ng cardiac arrest.
Sa ngayon ay wala pang pahayag na inilalabas si Ellen tungkol sa pagkamatay ng kanyang ama.
Samantala, palaisipan naman sa mga netizens kung engaged na ba ang aktres kay John Lloyd Cruz. Ito ay matapos magpost ng litrato ng kanyang kamay ang aktres na mayroon suot na diamond ring.
Ngunit makalipas ang isang oras ay agad naman niyang tinanggal sa kanyang Instagram feed ang naturang litrato.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.