Aabot sa 30,000 trabaho sa local at overseas employment ang magiging available sa gaganaping job at business fairs sa Rizal Park sa Maynila sa June 12, Araw ng Kalayaan.
Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, bukod sa Rizal Park, 19 na job at business fairs din ang gagawin din sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ayon kay Bello, bahagi ito ng paggunita sa ika-120 anibersaryo ng kalayaan ng Pilipinas.
Target aniya ng job at business fairs na mabigyan ng oportunidad ang mga Pilipino na maghanap-buhay at mag-negosyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.