Pinoy sa South Korea gustong tumakbo bilang senador si SAP Bong Go
Hindi lang mga Pilipino sa bansa ang nagtutulak kay Special Assistant to the President (SAP) Christopher Bong Go na tumakbo bilang senador kundi maging ang mga Pilipino na nasa South Korea.
Kasama si Go sa tatlong araw na official visit ni pangulong Rodrigo Duterte sa South Korea.
Ayon kay Go, masyado pang maaga para pag-usapan ang pulitika lalo na’t marami pang programa ang pangulo na kinakailangan na tugunan.
Giit ni Go, mas mahalaga muna ngayon ang administrasyon at ang pagsisilbi sa bayan.
Pinasalamatan naman ni Go ang mga Pilipino sa South Korea dahil sa patuloy na pagsuporta sa administrasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.