DFA nakiramay sa pagkamatay ng OFW na nagliligtas ang 2 babae

By Rohanisa Abbas June 03, 2018 - 07:13 PM

Nagpahatid ng pakikiramay ang Department of Foreign Affairs sa pamilya ng overseas Filipino worker (OFW) sa Slovakia na nasawi habang inililigtas ang dalawang Filipina sa pangha-harass.

Sinubukang iligtas ni Henry John Acorda ang dalawang babae sa Bratislava noong May 26. Gayunman, inatake siya ng dalawang suspek.

Naisugod pa sa ospital si Acorda pero namatay rin ito.

Tiniyak ni DFA Secretary Alan Peter Cayetano na magpapaabot ang gobyerno ng tulong sa pamilya ni Acorda, at gayundin ang pagkamit ng hustisya para sa kanya.

Ayon sa Embahada, inalalayan na ng mga opisyal ang ina at mga kapatid ng nasawing OFW na lumipad sa Slovakia.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang 28 taong gulang na suspek kaugnay ng insidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.