LTFRB pinaalalahanan ang PUV drivers sa pagbibigay ng student discount sa pasahe

By Isa Avendaño-Umali, Rohanisa Abbas June 03, 2018 - 06:36 PM

Pinaalalahanan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang lahat ng public utility vehicles o PUVs na magbigay ng student’s discounts sa lahat ng mga estudyante.

Ito ay kasunod na rin ng “Balik-Eskwela” o pagbubukas ng klase sa mga paaralan sa buong bansa bukas , June 04.

Ayon kay Atty. Aileen Lizada, tagapagsalita ng LTFRB, ang student’s discount ay dapat ipagkaloob sa mga estudyante kahit hindi weekdays.

Ibig sabihin, kahit na weekend o Sabado at Linggo, holidays at panahon ng bakasyon o sembreak ay dapat maka-avail ng 20% student’s discount ang mga estudyante.

Ani Lizada, ito ay base na rin sa bagong patakaran ng LTFRB ukol sa pagbibigay ng diskwento ng mga PUV’s gaya ng mga pampasaherong bus, jeepneys at iba pa.

Aniya pa, maging ang mga estudyanteng nasa vocational at technical school ay mayroon ding diskwento.

Gayunman, regular minimum fare ang dapat na bayaran ng mga nag-aaral sa post graduate at short-term courses.

Bukas, araw ng Lunes ay inaasahang maraming estudyante ang bibiyahe tungo sa mga paaralan sa buong bansa, kaya naman nakahanda na ang LTFRB maging ang iba pang ahensya ng gobyerno upang matiyak ang mapayapang Balik-Eskwela.

Inilabas ng LTFRB ang pagbabago sa Memorandum Circular No. 2005-014 noong October 2017 para sa buong taong 20% discount sa pasahe ng mga estudyante.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.