NCRPO, handa na sa pagsisimula ng pasukan bukas

By Angellic Jordan June 03, 2018 - 11:07 AM

Inquirer file photo
All-set na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa pagsisimula ng pasukan ng school year 2018-2019. bukas, araw ng Lunes.

Sa isang panayam, sinabi ng NCRPO Chief Supt. Guillermo Eleazar na mahigit 5,000 pulis ang ipakakalat para matiyak ang ligtas na pasukan ngayong taon.

Magiging katuwang din aniya ng pulisya ang aabot sa 4,000 barangay tanod at mga pribadong security guard.

Layon aniya ng pagpapatibay ng seguridad na iwasang mabiktima ng mga kriminal ang mga estudyante ngayong pasukan.

Pinaalalahanan din ni Eleazar ang mga estudyante na huwag magdala ng mga mamahaling gadgets sa paaralan na takaw-mata sa mga magnanakaw.

Dagdag pa ni Eleazar, nagsagawa na rin ng pagbisita sa mga barangay, pamamahagi ng flyers para bigyang-babala ang publiko laban sa krimen.

TAGS: Chief Supt. Guillermo Eleazar, NCRPO, school year 2018-2019, Chief Supt. Guillermo Eleazar, NCRPO, school year 2018-2019

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.