Pangulong Duterte, nakaalis na ng bansa para sa 3 araw na official visit sa SoKor
Nakaalis na ng bansa si Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang tatlong araw at kauna-unahang official visit sa South Korea.
Alas-12:20 ang flight ng pangulo at nagbigay ito ng departure speech sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2.
Sinabi ng pangulo na malalim ang relasyon ng Pilipinas at South Korea.
Nakatakdang makapulong ni Pangulong Duterte si South Korean President Moon Jae-in upang palakasin pa ang ugnayan ng dalawang bansa.
Tatalakayin din ang pagtutulungan sa usaping panseguridad, pamumuhunan, imprastraktura, turismo at maging ang information and communications techonology (ICT).
Nakatakda ring makadaupang palad ng pangulo ang Filipino Community sa naturang bansa.
Habang nasa South Korea, si Executive Secretary Salvador Medialdea ang officer-in-charge o ang siyang mangangasiwa sa trabaho ng presidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.