Lubog sa tubig-baha ang ilang lugar sa Metro Cebu dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng Intertropical Convergence Zones (ITCZ) at Low Pressure Area (LPA) sa lalawigan.
Sa ulat ni PAGASA weather specialist Van Sison, posible umanong tumagal pa ng limang araw ang nararanasang pag-ulan sa Cebu at mga kalapit na lalawigan.
Asahan rin ayon kay Sison ang mga pagkulog at pagkidlat lalo na sa dakong hapon at gabi.
Samantala, iniulat naman ng Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Office (CCDRRMC) na umapaw na ang tubig sa Mahiga creek.
Ito umano ang dahilan kaya lubog sa baha sa kasalukuyan ang bahagi ng M.j Cuenco Avenue ganun rin ang bahagi ng Sitio Cogon sa Brgy. Basak Pardo
Tiniyak naman ng mga opisyal ng lokal opisyal na lugar na nakahanda na ang kanilang rescue team sakaling magpatupad ng force evacuation sa mga binabahang lugar.
Nakahanda na rin umano pati na ang mga lugar na pagdadalhan sa mga residenteng apektado ng pagbaha sa lungsod.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.