Direksyon ng rehabilitasyon sa Boracay kinuwestyon sa Kamara
Kinuwestyon ng mga mambabatas ang kawalan ng komprehensibong plano sa rehabilitasyon ng isla ng Boracay.
Sa public hearing ng House committee on natural resources sa Boracay, pinuna din ng mga mambabatas ang kawalan ng malinaw na programa para sa mga nawalan ng kabuhayan at mga maaaring mawalan ng tirahan sa anim na buwan na rehabilitasyon.
Ipinahayag ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate na welcome ang ibang proyekto gaya ng pagpapalawak ng kalsada at pagpapaganda sa kalidad ng tubig.
Gayunman aniya, kinakailangan din ang malinaw na plano para sa mga pangangailangan ng mga residente.
Inobliga naman ni Liquefied Petroleum Gas Marketers’ Association party-list group Rep. Arnel Ty ang task force na magsumite ng komprehensibong plano sa loob ng isang buwan.
Isinara sa mga turista ang Boracay noong April 26 para isailalim sa rehabilitasyon dahil sa kakulangan ng sewage system sa isla.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.