Piolo Pascual, inaming ginugunita rin ang Ramadan ng Islam
Inihayag ni Piolo Pascual na kanyang ginugunita ang banal na panahon ng mga Muslim na Ramadan.
Anya, ito ay bilang paggalang sa mga Muslim dahil sa ginagawa nilang pelikula tungkol sa Marawi.
Mula umano pagsikat hanggang sa paglubog ng araw ay ginagawa nila ang pag-aayuno kasama ang direktor na si Joyce Bernal para alam nila ang takbo ng isip ng mga Muslim at kung bakit at para saan ang mga ganitong gawain.
Inamin din ni Piolo na mismong si Robin Padilla na siyang bida sa nasabing pelikula ay nagbigay sa kanila ng mga dadasalin ngunit anya bilang isang Born-Again Christian ay nagdarasal siya sa kanyang Diyos.
Tinatapos na lamang umano ang ilang mga bagay tungkol sa pelikula para makapagsimula na sa shooting.
Samantala, inihayag din ng aktor na plano nilang ipalabas ito sa isang international film festival bago ito ipalabas sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.