RRCG, nagtaas ng pamasahe dahil sa mataas na presyo ng petrolyo

By Marilyn Montaño June 02, 2018 - 01:57 AM

FB PHOTO

Nagtaas ng pamasahe ang operator ng RRCG bus dahil sa mataas na presyo ng petrolyo.

Simula Biyernes, may dagdag na P20 ang rutang Alabang-Makati ng RRCG mula sa dating P80.

Ayon sa naturang point to point premium bus operator, ang dagdag pamasahe ay para sa kanilang dagdag gastos dahil sa patuloy na pagsipa ng presyo ng krudo.

Ayon sa RRCG, umabot sa mahigit 70% ang gastos nila sa petrolyo sa nakalipas na dalawang taon.

Paliwanag ng kumpanya, nasa memorandum circular ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na P110 ang pamasahe nila sa nasabing ruta pero nagkaroon sila ng promo na P50 sa loob ng isang taon.

Kalaunan ay itinaas nila ito sa P80 at dahil sa dagdag na P20 ay nasa P100 na ang pamasahe sa kanilang Alabang-Makati route.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.