COA muna ang dapat mag-imbestiga sa P10.6B pondo ng PhilHealth na inilipat sa DOH – Sec. Duque
Iginiit ni Health Secretary Francisco Duque na ang Commission on Audit muna ang dapat na mag-imbestiga sa umano’y paglilipat ng pondo ng PhilHealth sa Department of Health sa nakalipas na administrasyon.
Sinabi ni Duque na bago magpapasok ng third party auditor, ang COA muna ang dapat na sumuri rito dahil ito ang mandato ng ahensya sa Saligang Batas.
Nilinaw naman ni Duque na bukas naman siya sa external audit, pero dapat na mauna ang COA rito.
Dagdag ng kalihim, ang COA at ang Department of Budget Management ang makakasagot sa kung ano ang nangyari sa P10.6 bilyon.
Ang naturang halaga ay nakalaan para sa senior citizens ng PhilHealth pero iligal na inilipat umano sa Department of Health noong 2015 para sa pagtatayo ng rural health centers.
Una nang sinabi ni dating health secretary Janette Garin na hindi natuloy ang paglilipat ng pondo dahil matapos hindi maabot ang ilang kundisyon.
Iminungkahi naman ni Garin ang pagpasok ng third party auditor para rito
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.