Mas malawak na anti-drug operations sa Metro Manila, target ng bagong hepe ng NCRPO
Mas malawak na operasyon kontra iligal na droga.
Ito ang target ngayon ng bagong talagang hepe ng National Capital Region Police Office na si Chief Supt. Guillermo Eleazar.
Sa kanyang pagharap sa media sa Camp Crame, sinabi ni Eleazar na kailangan nya ng dagdag na intelligence monitoring nang sa gayon ay makapagkasa sila ng mas malaking operasyon.
Kaniya ring tiniyak na kung anuman ang nasimulan nya sa CALABARZON ay ipapapatuloy sa NCR.
Panawagan naman ni Eleazar sa mga drug personalities sa Metro Manila, tumigil na sa kanilang iligal na aktibidad. Nanawagan din sya sa mga ito na huwag manlaban sa mga operating units ng PNP para hindi maging madugo ang kanilang operasyon.
Samantala, nagpapsalamat naman si Eleazar sa bagong oportunidad na ibinigay sa kanya. Anya, malaking hamon ito sa kanya kaya naman gagawin nya umano ang lahat ng kanyang makakaya para magampanan ang kanyang tungkulin.
Papalit kay Eleazar bilang bagong Director ng PRO-4A si Chief Supt. Edward Carranza na dating hepe ng PRO Cordillera.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.