15 katao kabilang ang 6 na Pinoy inaresto sa Malaysia

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 01, 2018 - 02:40 PM

Inaresto at ikinulong ng Malaysian police ang 15 katao kasama ang ilang mga dayuhan dahil sa pagpupuslit ng armas at pagpaplano ng pag-atake.

Ayon kay National police chief Mohamad Fuzi Harun kabilang sa mga dinakip ay anim na Malaysian, anim na Filipino, isang Bangladeshi na may-ari ng restaurant, at mag-asawa na mula sa north African country.

Kabilang sa mga nadakip na Malaysian ay isang 17 anyos na estudyante na natuklasang gumawa ng Molotov cocktails na gagamitin umano para bombahin ang ilang entertainment outlets, mga simbahan at Hindu temples sa Kuala Lumpur.

Hinihinalang miyembro ng Islamic State (IS) ang nasabing estudyante.

Kasama din sa mga nadakip ang isang 51 anyos na babaeng Malaysian dahil sa tangkang pagsagasa sa mga non-Muslims na bumoboto noong nagdaang eleksyon.

Ang anim na Pinoy naman na nadakip kasama isang Malaysian sa Sabah dahil sa pagkakadawit sa isang militant cell na nangungulekta ng mga armas para at pinaniniwalaang lalahok sana sa mga terorista sa Marawi City noong nakaraang taon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Malaysia, Malaysian police, Radyo Inquirer, Malaysia, Malaysian police, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.