Ilang probisyon ng inaprubahang BBL, unconstitutional ayon kay Rep. Lobregat

By Erwin Aguilon June 01, 2018 - 02:34 PM

Iginiit ni Zamboanga City Rep. Ceslo Lobregat na naglalaman pa rin ng ilang “unconstitutional o disadvantageous provisions” ang bersyon ng Bangsamoro Basic Law na inaprubahan ng Kamara.

Ayon kay Lobregat, ito ang dahilan kung kung bakit siya nag-abstain sa botohan sa ikatlo at huling pagbasa ng naturang panukala.

Sinabi nito na may ilang probisyon na dapat pa ring baguhin katulad na lamang ng tungkol sa repealing clause sa ilang existing na batas sa bansa.

Aasikasuhin anya nila ang pag-amyenda sa natitirang constitutional issues sa Bicameral Confernce ngayong session break ng Kongreso.

Gayunman, sinabi ni Lobregat, “substantially satisfied” siya sa amiyendang napasama sa inaprubahan nilang substitute bill matapos walang amiyendang napasama sa committee report ng tatlong komiteng tumalakay sa BBL.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: bangsamoro basic law, Radyo Inquirer, bangsamoro basic law, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.