EO na nagtatakda sa “911” bilang nationwide emergency hotline number nilagdaan na ng pangulo
Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang executive order number 56 na nagtatakda sa “911” bilang opisyal na nationwide emergency hotline number.
Nakasaad sa EO na ang Patrol 117 ay papalitan ng emergency 911 hotline number para makasunod sa international standards.
Naglabas na rin noon ng memorandum ang National Telecommunications Commission (NTC) kung saan ginawang available ang code na “911” para magamit bilang emergency hotline number sa buong bansa.
Base sa EO ang operasyon ng local 911 call centers ng mga LGUs ay popondohan mula sa kani-kanilang mga budget.
Iniatas din ang maayos na transition at paglilipat ng mga tauhan ng Patrol 117 patungo sa Emergency 911 National Office sa loob ng 60 araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.