Mga paaralan sa buong bansa handa na para sa pagbubukas ng klase sa Lunes
Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na handa ang mga paaralan sa buong bansa sa pagsisimula ng klase sa Lunes.
Ginawa ni DepEd Undersecretary Jesus Mateo ang pagtitiyak na ito.
Ipinahayag din na Mateo na natutugunan na ng DepEd ang mataas na teacher to student ratio at classroom to student ratio.
Aniya, napababa na nila ang teacher to student ratio na one is to 33 sa elementarya at one is to 26 sa high school noong nakaraang taon.
Sinabi ni Mateo na kumuha ng dagdag na 75,000 guro ang DepEd ngayong taon para matugunan ito.
Gayunman, aminado si Mateo na naapektuhan pa rin ng kakulangan ng classroom ang teacher to student ratio, dahilan kaya mas maraming estudyante ang pinagkakasya sa mga silid-aralan.
Ayon kay Mateo, nasa 10,000 silid-aralan na ang naidagdag ng DepEd noong Disyembre at may nakatakda pang dagdag na 48,000 na dapat tapusin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.